Sunday, August 20, 2017

LET'S PARTY!

Nung Biyernes umuwi ang anak ko na malungkot dahil hindi raw siya naimbitahan ng kaklase niya sa birthday party nito. Yung mga ibang classmates may invitation pero siya at iba pa niyang friends wala. Para sa isang 11 year old, big deal yun kasi hindi siya kasali sa party.
My initial reaction was to tell her " Hayaan mo na, hindi naman maganda yung party n'ya or say " Hayaan mo pag ikaw ang nagparty, hindi natin sila iimbitahin,"... pero pinigilan ko ang sarili ko at niyakap na lang ang anak ko. Alam kong walang magandang maidudulot pag humirit ako na parang nagmamaldita nanay. Kahit sabihin kong magpaparty din tayo, mas maganda pa dun sa party ng kaklase mo, parang tinuturuan ko lang siyang mabuhay sa inggit at kababawan.... Ayoko namang bawat kibot ng kaibigan o kaklase niya, sasagot si Julia na " mas maganda o mas malaki pa d'yan ang gagawin ng mommy ko...." Dahil sa tuwing hihirit siya nun alam kong never siyang makukuntento sa kung anong nakikita niya, laging iisipin niya na kailangang makipag-kumpetensiya or worse, lumaki siyang inggiterang froglet tulad ng iba!!!!
So anong ginawa ko para mawala ang lungkot ng anak ko ? Sabi ko sa kanya magde-date na lang kami sa Linggo.... Gagawin namin lahat ng gusto niyang gawin. Hindi man siya makapunta sa birhtday party ng kaklase niya, all is not lost dahil may ka-date pa rin siya - Hindi man si Jollibee.. .at least ka-size pa rin ni Jollibee hehehehe!

No comments: